By By Jex F. Lucero
Abolish pork barrel
posted 21-Aug-2013  ·  
4,023 views  ·   0 comments  ·  

Ang pinakamainit na isyu ngayon ay ang tungkol sa bill na ipinanukala ni Sen. Miriam Defensor Santiago tungkol sa pag abolish ng pork barrel sa mga mambabatas (congressmen at senators) natin. Ang proposal ng senador ay alisin ito gradually. Pagdating ng eleksyon sa 2016 totally ay wala nang pork barrel ang mga mambabatas.

Isang napakagandang panukala para sa ikabubuti ng mga mambabatas na rin  at sa ikabubuti lalo ng bayan natin. Sa maniwala kayo sa hindi, itong pork barrel na ito ang pinagkakakitaan ng mga mambabatas natin na halang ang mga kaluluwa. Eto ang ugat ng corruption.

Kayo ba sa paniniwala ba ninyo ang isa bang kongresman ay magagawa pang kumandidatong muli kung hindi siya kumikita sa pork barrel niya? Magkano ba ang suweldo ng isang kongresman? Kahit na magsuweldo ang isang kongresman ng tatlong daang libong piso isang buwan sa loob ng tatlong taon ay hindi niya makukuha ang budget para sa reelection niya.

Pero bakit  makuwarta ang mga kongresman? Saan galing ang mga kuwarta nila? Marunong ba silang mag-magic ng kuwarta at napakayaman nila? Lalo kung panahon ng eleksyon!

Ang sagot sa tanong na ito ay napakasimple. Pork barrel ang sagot sa kung saan nanggaling ang maraming-maraming kuwarta ng mga kongresman at mga senador.

Ang panukalang batas ni Sen.  Santiago ang siya ring kasagutan para mawala na ang kawalanghiyaan ng mga mambabatas natin.

Alalahanin natin kuwarta ng bayan ang dinarambong nila! Dahil mandarambong sila, dapat pala kasuhan sila ng plunder.

*****

So ang stand ko sa isyung ito ay 200% akong pabor para sa pag-abolish ng pork barrel. Alam ng lahat na ang pork barrel ang siyang dahilan kung bakit ang isang pulitiko ay gustong-gustong maging kongresman. Grabe bagang naaayot sa kongreso. Ayaon baga ang kayamanan sa pork barrel. Adyaon pa ang impluwensiya mo. Oragon ka na, mayaman ka pa.

Subukan nating wala o alisin ang pork barrel? Iyan ang sinisigurado ko sa inyong kokonti ang magkakainteres sa puwestong kongresman at senador. Dae na bagang hahab-ason.

Subok na natin ‘yan, maraming kongresman at senador ang nag-umpisang kumandidatong walang-wala pero nang nandyan na, mayaman na at powerful ika nga. Mga maimpluwensiya na mga E-PAL  pa. Kakapal ng mga mukha.

Pag nagka-project, sasabihing akin ‘yan, project ko ‘yan, ako ang nagpagibo caan. Sacuya dapat ang ngaran can project naan.

Cadaeng mga supog! Perac nin banwaan pigahingaco! Jesus…Jesus!

*****

Okey ang stand ko ay i-abolish ang pork barrel. Pero gusto ko lahat. Ang mga gobernador ay may mga nakalaan ding mga pork barrel sa kanila. Pati mga PBM at lahat ng mga local officials.

Dapat alisan din sila ng pork barrel.

Dito sa atin isang halimbawa na lang karamihan dito ginagamit lang ang kanilang pagiging elected officials para makapangontrata sa gobyerno at hindi para makapanilbihan sa mga tao.

Iyong pork barrel nila ilalaan sa isang proyekto kung saan sila pa ang kontratista.

Subukan ninyong alisin ang mga pork barrel ng mga local na opisyal natin at tiyak ko na mababawasan ang mga ambisyoso.

Dapat lahat ng pork barrel na matatawag alisin. Lokal man o nasyonal, abolish pork barrel!

*****

Napakarami kong tagapagtanggol sa isyu ko tungkol sa vote buying kung saan wala raw akong katibayan sa isyung ito sabi ng Comelec . Noon pa ay inuulan na ako ng text at lately ay ang comment ng isang US resident na si Bobo Rodulfo. Thank you, Bobo. Pasensiya ka na kung ang nakasagupa ko ay malabo ang mata, mahina ang pandinig at medyo manhid ang pakiramdam.

At doon naman sa nagtext sa akin na huwag ko raw ipa-publish ang pangalan niya salamat din pero grabe naman ang mga salitang ginamit  mo, hindi ko kayang i-publish. Anyway thank you uli dahil sobra-sobra ang pagmamalasakit mo sa mga kababayan natin. Hindi nga naman sila magiging vote seller kung walang vote buyer.

Salamat din doon sa nagngangalang Ron. Hayaan mo bibilhan ko sila ng eyeglasses at hearing aid para naman kahit papaano ay alam nila ang mga nangyayari dito kung panahon ng eleksyon.

Doon po sa ibang nagpaabot ng mensahe sa akin tungkol po sa nasabing isyu, sorry po, hindi ko talaga puwedeng ipublish ang mga komentaryo ninyo dahil talaga naman pong mga unprintable at masyado pong mga bayolente.

Sa  inyo pong lahat, maraming-maraming salamat po!

*****

May nagtatanong sa akin kung papaano na raw ba si Cong. Sarmiento kung aalisin na ang pork barrel? Hindi ko po masasagot ang ganyang tanong. Sa palagay ko ay iba namang paraan ang gagawin ni kongresman kung saka-sakaling  iabolish ang pork barrel.

Matalino ang kongresman natin at mapamaraan siya. Alam niya kung ano ang mga dapat na gagawin niya mawalan man siya ng pork barrel.

Isa pa, hindi lang naman pork barrel ang puwedeng mapagkukunan ng isang kongresman para sa mga nasasakupan niya. Kailangan lang ay sipag at mabuting pakikisama.

Ang ganyang mga bagay ay alam na alam na ng kongresman natin! 

0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs