Opinion
Tingnan Natin
by Jex F. Lucero
Cua-Wong tambalang sintunado
December 24,2009

HIRIT NI MAYOR MENDOZA PUMALPAK-Sa gusot sa San Andres hindi umubra ang hirit ni Mayor Leo Mendoza sa inisyu niyang Memo Circular No. 1 s. 2009 declaring the existence of permanent vacancy sa opisina ng bise alkalde ng San Andres bilang resulta ng pag-file nito ng COC sa bayan ng Pandan.

Sa petisyon na isinampa ni bise alkalde Allan Del Valle sa korte para sa TRO, ito ay kinatigan ng husgado kung saan ay binigyang order ang alkalde ng San Andres o sino pa mang tao acting by authority of the questioned memorandum, and/or for and his behalf, to cease and desist from enforcing and carrying out memo. Cir. No. 1. s. 2009 at ang pananatili ng status quo ante kung saan ang petitioner ay mananatili sa kanyang puwesto bilang bise alkalde ng San Andres, Catanduanes.

Nagsipagdiwang siguro ang mga empleado ng San Andres dahil sa kahit papaano ang mga hinahangad nilang grasya ay hindi na madidisgrasya.

Merry Christmas sa inyong lahat!

*****

TOTOHANAN NA ‘TO?-Ito naman ay ayon kay Manolo Sanchez, ang isa sa mga kakandidatong congressman sa nag-iisang distrito ng probinsiya ng Catanduanes.

Hindi naman tahasang sinabi ni Sanchez na talagang totohanan na ang pagsabak niya sa pulitika pero ito ang mga ipinapahiwatig ng mga pananalita niya ng magpatawag ng Press-Con ang dating NEA Administrator sa panahon ni Erap.

Ang sa kanya raw pagpasok sa pulitika ay para makatulong sa mga taga-Catanduanes. Ang isa sa mga slogan niya ay: "Matauhan nin hanapbuhay ang mga taga Catanduanes bacong paghanapbuhayan".

Tungkol naman sa mga sinasabing baka sila raw ni Cong. Santiago ang magtatandem, ito ay hindi niya pa rin masyadong binibigyang pansin, basta ang sa kanya ay kandidato siyang kongresman.

Sa ganitong mga pangyayari tiyak na na ang mag-sasalpukan nang husto sa bandang norte ay tatlo, Verceles, Wong, at Sanchez.

Si Verceles walang problema sa pera, sabi nila, si Wong wala ring problema sa pera, kita pa nga, si Sanchez naman sabi ay kayang tapatan ang Verceles at Wong.

Pero tatlo sila sa norte at ang kalaban nila na taga-Sur ay nag- iisa na bagamat sinasabi nilang kakapusin sa bandang huli pero sinisiguro naman sa kanyang mga kasama at mga kaalyado na baka sa mga huling oras ay ang mga maraming pera ang wala nang maibubuga.

Kakapuson ngata nin hangin ang mga kalaban ni Assec?

*****

DURULAGAN PORTION NA NAMAN NGONIAN NA KRISMAS-Krismas na kaya bihira na namang mga kandidato ang makikita mo ngayon sa mga bahay-bahay nila at tiyak ‘yan na maglalabasan na naman ‘yan kung tapos na ang Pasko.

Isa ito sa mga kinatatakutan ng mga kandidato na kung pupuwede nga ay alisin na sa kalendaryo ang ngalang krismas.

Sa kanila kasi isa ito sa magastos na panahon para sa mga kandidato na halos pareho lang kung oras na ng pangangampanya.

Sa mga pulitiko ngayon ang gawa talaga nila sa mga araw na ganito ay ang magtago sa kung saang lugar na hindi sila magkakagastos.

Tama lang naman kung ginagawa ito ng mga kandidato dahil kung hindi ay madodoble sila.

Pero ang hinahangaan ko ng labis sa mga puliitiko rito ay si Mayor Jun Camano dahil sa magpanahon ng Pasko o kahit oras ng pangangampanya ay nandiyan ‘yan sa kanila hindi nagtatago.

Sa ngayon ang isa pang lantaran ngayong malapit na ang Pasko ay si Assec Sarmiento dahil kahit nasa Maynila siya naglalagi ay visible pa rin siya sa Catanduanes.

Sana lagi siyang ganyan lalo pag congressman na siya?

*****

MAYOR MENDOZA NG SAN ANDRES SASAMPAHAN DIN NG KASONG DISQUALIFICATION?-Mayroon din daw magpa-file ng disqualification case laban kay Mayor Leo Mendoza ng San Andres dahil ang totoo raw ay hindi naman ito taga-San Andres kundi taga-Virac.

He..he..he..siguro kagrupo ito ni bise alkalde del Valle na gustong maka-isa rin dahil sa pinipilit siyang maisahan ni Mayor Mendoza?

Maganda ang ganito dahil sa malalaman natin kung ano ba talaga, sila ba’y taga diyan sa lugar na iyan o nandiriyan lang sila para maghanapbuhay?

Sa totoo lang kasi halos lahat ng mga kumakandidato rito ay hindi naman mga nakatira rito sa ating probinsiya although ang totoo ay may mga bahay din sila rito

Si Cely Wong taga-saan ba ‘yan, taga-Pandan, taga-Virac, o taga-saan? Ang totoo niyan ay taga-Maynila ‘yan lalo na’t nandoroon ang mga negosyo niya. Iyan ang totoo niyan.

Si Verceles, taga-saan ba ‘yan, taga Maynila rin ‘yan, although ang totoo ay may bahay din sa Virac. Pero ang totoo ay hindi ‘yan dito nakatira.

Si Manolo Sanchez, taga-Pandan din ‘yan pero sa Maynila din nakatira, kahit ang totoo ay may bahay din sa Pandan.

Si Cesar Sarmiento ganoon din taga-Moonwalk ‘yan pero bakit dito sila kumakandidato, dahil nga sa nakapag-establish na sila rito ng residence.

*****

Sana ay magbago ang grupo ni Gob. Cua at ni Cely sa kanilang pagsasama dahil sa ang totoo ay hindi maganda ang tunog nito.

Marami na ang nagsasabi na sintunado ang tuno ng Cua-Wong. Para raw hindi na mga Pilipino ang mga kandidato dito sa Catanduanes.

Aywan ko lang kung napapansin ito ni Gob. Cua na sintunado ang kanilang tambalan. Marami-marami na akong naririnig na hindi magandang tambalan ang Cua-Wong.

Sana iniisip nila na kahit gaano karami ang kuwarta nila kung sintunado sa pandinig ng tao ang pagsasama nila sa isang partido ay sintunado rin ang malalagay sa balota.

Samantala ang Verceles at Santiago naman ay hindi rin kailan ito magkakasama dahil may mga nakaraan na silang hindi magugustuhan ng kahit sinuman sa kanila.

Pare-parehong mga sintunado!

Opinion